Grades 4 to 6 Buwan ng Wika 2018
Grade 4 to 6 Buwan ng Wika 2018
Noong ika- 31 ng Agosto ay masayang ipinagdiwang ng apat hangang pang-anim na baitang ang Buwan ng Wika na may tema na FILIPINO: Wika ng Saliksik!. Ang bulwagan ng St. Francis of Assisi Montessori School of Cainta ay napuno ng mga munting mag-aaral na nakabihis ng iba’t ibang kasuotang Filipino.
Nagpamalas din sila ng kanilang talento sa pagsayaw ng mga tugtuging Pilipino. Nasiyahan at nabusog ang lahat ng mga mag-aaral pati na rin ang mga magulang at iba pang mga panauhin sa Pistang Pinoy na bahagi pa rin ng palatuntunan.
Hindi rin nakalimot ang lahat sa mga palarong pinoy! Ang lahat ay umuwing may ngiti sa kanilang mga labi na kasing tamis ng mga papremyong kendi. Mabuhay ang Wikang Pambansa!
- No Comments