Buwan ng Wika 2019 Baitang 1-3 Pang Hapon
Read MoreBuwan ng Wika 2019 Baitang 1-3 Pang Hapon
Buwan ng Wika 2019
by Sheila Ann Marco Loverio
Ngayong Agosto, ipinagdiriwang natin ang ating Wikang Pambansa. Ipinakita ng mga mag-aaral ng SFAMSC ang kultura ng ating bayang pinagmulan kasabay na rin nito, ang pagpapatunay na talentado ang mga Pilipino sa anumang larangan. Ipinakita nila ang iba't ibang katutubong sayaw na nagmula sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Ito ay ayon na rin sa kagustuhan ng KWF na panatilihin ang Wikang Katutubo, magandang paraan ang pagpapakita ng kultura ng mga katutubo upang maengganyo ang mga kabataan na mahalin at panatilihin ang kulturang ito hanggang sa susunod pang henerasyon. Tunay na mahalagang salik ang wika sa pagbubuklod-buklod ng mga tao nito. Mahalin at panatilihing buhay ang ating wika. Mabuhay ang wikang Filipino!
===
Permanent Internet Archive Link:
https://archive.org/details/buwanngwika2019b13hapon
- No Comments